Friday, June 7, 2013

Pamagat: Ukol sa Kalusugan
Petsa: June 8 2013

          Ukol sa kalusugan ng tao ,halimbawa sa mga kabataan ang mga tagihawat ay  dumarami ,kung wala man tagihawat e marumi naman ang mga loob ng katawan iyan ay dahil kailangan ng tao ang 1.tamang pagkain 2. pag iwas sa masamang mga gawi 3. pagsangmuni 4. Pagbabago sa nakagisnan 5. pagpapalakas ng katawan at isipan.1.Una ang tamang pagkain ay dapat piliin ,sapagkat ang isipan at pagkain ay magkaugnay. 2 pag iwas sa masamang mga gawi- ang mga bisyo at masamang ugali ay dapat na supilin 3. pagsangmuni- ang pagsangmuni ang susi sa mga suliranin ng isipan at katawan ,dapat ng pag aralan ang mga tuntunin ng pag disiplina sa sarili at pagtatanto sa sarili at ang paglilingkod sa sangkatauhan. 4. Pagbabago sa nakagisnan - may mga taong ang isip ay kabaliktaran ng katotohanan ,kung sa isang pamilya ito ang nakamulatan ng isang tao ,kailangan niyang gisingin ang sarili baguhin ang sarili at ang sosyudad ay magbabago.5. pagpapalakas ng katawan at isipan.- ang pagsangmuni ang simula ng kamalayan ito ang tunay na pagmumulan ng pagbabago.Halimbawa hindi kailangang saktan o sayangin ang buhay ng mga hayop para makakain lang ang isang tao.Puede namang kumain ng mga butil,madahong gulay,prutas ,trigo,tinapay,uminom ng gatas, at makuha lahat ng sustansyang kailangan sa mga ito na hindi na kailangang patayin ang mga hayop na gusto ring mabuhay.Unti unti ng nagigising ang mga tao ,alam na natin na ang buhay ng hayop at tao ay pareho ang halaga,sa ngayon bawal na ang kalupitan sa mga aso at pusa, darating ang panahon matatanto nila di rin makatao ang maging malupit sa mga alagang manok, baboy, at baka. Sa madaling sabi kailangang piliin ng tao ang mga pagkaing walang 3M maka mamoy manok , at walang isda at walang itlog piliin niya ang mga pagkaing walang halong lamang kati ika nga . May mga website na gagabayan sa pag pili ng tamang pagkain gaya ng happy cow  , at marami na ring Pinoy may pang  vegetarians  na websites .Gagabayan ka sa about.com at sa isang artikulo sa GMA news online sa  lifestyle & food . Sa Vrg.org ,etc. 

No comments:

Post a Comment