Petsa: June 7 2013 Fri
Kung ang isang Pinoy ay nanonood ng TV sa wikang Filipino mas naiintindihan ito.1.pagpapataas ng moral 2.pagpapahayag ng sarili 3.kultura 4.pag unlad .Ang apat na ito ang dahilan upang tangkilikin ang sarili natin 1.una ang pag unawa sa sariling wika 2. pagpapahalaga sa sariling kultura 3. upang maging totoo.Tanggapin man sa hindi ang wikang Pinoy pa rin ang gusto ng mga Pinoy.Kahit sa mga awitin mas dama kapag awiting Pinoy,Pero sa iba na mejo hindi hayag ang nadarama aawitin niya ang hindi madaling intindihin o ung mga wikang banyaga. Makakagawa ba ng space ship ang mga Pinoy? Mangyayare ito kung mag aaral siyempre siya ng wika ng mga French,English,Japanese mga bansang marunong gumawa ng mga space shuttle o sasakyang pangkalawakan . Mas mahihinuhang mas pinanonood ng mga tao ang tv patrol kesa ibang wika na balita. May mga matatas lang magsalita, maraming salita,paliwanag,at maraming nasasabi ,lalo na kung naglalarawan ng isang labanan o palaro. At dama talaga kapag nagagawa ng sinoman na mailarawan sa sariling wika ang lahat ng bagay o kahit anong nanasok sa isipan . Katulad ng mga katatawanan mas natatawa ang pinoy kapag pinoy ang katatawanan.Ang mga dakilang Pilipino ay ang mga nagmamahal sa sariling wika. Subalit ang pag unlad ng sangkatauhan ay nasa pagdami ng nalalaman niyang salita. Ganon pa man dapat pa ring me sariling wika ,sariling kultura at pagkakakilanlan ang bawat isa. Baduy kasi kapag ang tao ay di totoo sa kanyang sarili. Hinahangaan ang mga banyagang nag aaral ng wikang Pinoy,kumakanta ng awiting Pinoy , ang makita silang marunong magtagalog etc ay hinahangaan ng mga Pinoy. Ganon din kaya ang Pinoy na nag aaral ng ibang wika? Syempre naman. Sa ngayon marunong na ang mga kababayan natin ng mga wikang ginagamit sa bansang tinatrabahuhan nila .Ganon pa man mas maiintindihan ang isang wika kapag naisalin niya ito sa sariling wika. Sa pagsasalin kasi makikita ang talagang totoong taga rito at hindi taga rito. Halata mo ang isang tao sa paraan ng kanyang pagsasalita ,sasabihin nila , me punto ka.Ito ang ugali ng mga taong hindi pa lumalabas sa sariling rehiyon. Mejo pang rehiyon lang ang isipan kayat sa isip niya ang tamang punto ay ang punto lang niya. Naiiwasan ito sa pagkakasundo at pakikipagsalamuha ng buong bansa. Tanggaping walang wika nag maghihiwalay sa mga tao. Ang nag hahati sa mga tao sa pamamagitan ng wika ay mga taong makitid ang isipan. Lawakan na lang ang isip para maiwasan ang kakitirang ito. (Manood ng Rated K sa Pinoy Tambayan)
No comments:
Post a Comment