Petsa: June 6 2013
Ang bayan ng Daet nung panahon ay isang kagubatan ,walang maraming tao,pawang mga bahay na pawid at kakaunti pa ang tao. Ayon sa kasaysayan dati ng may tao sa Daet pagdating ng mga Kastila. Sa pag aaral ng isang bayan mahalagang malaman ang 1.kasaysayan 2.mapa 3, alamat at mga lumang kuwento ng matatanda 4. mga petsa 5.mga pangyayare 6. At mga katanungan na ukol sa kasaysayan ng bayan.Puede rin namang hatiin ang panahon sa nakaraan kasalukuyan at bukas .Mas kilala ang Daet sa pinyasan .Ang pagkakaroon ng piging o piyesta ng pinya.Ang pinya ay galing pa sa Spain. Subalit ito ay galing sa katimugan ng Amerika.Ang salitang pinyasan ay galing sa salitang: piña ("pine cone") naging pinya or pinya+ san na nangangahulugan sa mga pinoy na taniman ng pinya, or lugar na marami o may pinya. Ang mga Pinoy ay di gumagamit ng ñ kayat naging pinya.Pero sa kabicolan ang ñ ay ginagamit maging ang buong alpabeto ay ginagamit mula a to z. Hindi na practical na hindi haluan ng English ang tagalog kaya merong Taglish,Ang bicol at English ay ginagamit na rin at sa wikang Filipino lahat na ng wika sa Pinas ay isinasama na. Imposibleng pag aralan ang kasaysayan ng mga purok at mga barangay na hindi lilingon sa kasaysayan ng Pilipinas.At sa kasaysayan ng Bicol at Kasaysayan ng Daet,Camarines Norte .Si Rudraman ay Bicolano sa Daet siya ipinanganak.Nakagisnan na niya ang mga bundok sa timog at sa kanluran at sa Kahilagaan. At ang mga pulo sa silangan. Sa bayan ng Daet sumisikat ang araw sa Bagasbas at lumulubog sa bahagi ng Labo ang Bundok ng Bagacay.o Bundok ng Labo.Ang hilaga ay ang bahagi ng Calaguas ,o mga pulo ng Calaguas.Sa bicol kasi ginagamit ang letrag C halimbawa sa mga pangalan ng tao at mga pook. Ang Daet ay may sariling kultura at kabihasnan. At naiiba ang wika ng mga taga Daet sa ibang lugar.At may impluwensiya ng buong mundo ang Daet. Sapagkat ang bayan daet ay kaugnay ng buong sansinukob at ang tao ay kailangan ang kalawakan para sa lawak ng kanyang isipan na hindi limitado lamang sa isang bayan. Pero sa isang bayan lang siya puedeng ipanganak kung sa Daet siya'y magiging Daeteño. Sa isang aklat na pang Sekondarya nasulat na ang wikang ginagamit sa daet ay tinatawag na Manide ( more from the web)( parang Manila + Daet) .Sapagkat me halong tagalog at Bicol at iba pang wika ang wika o salita ng mga tao. Mula sa isang maliit na bayan patungo sa isang siyudad.
No comments:
Post a Comment