Petsa: June 19 2013
May buhay nga ba sa ilalim ng lupa ?Ang Earth core ba ay isa ring katulad ng araw para magbigay liwanag sa mga tao o nilalang sa ilalim ng lupa?May mga nailarawan sa una na mga higante na nakatira sa ilalim at mga maliliit na nilalang na kulay berde at nakasakay ang mga munting nilalang sa flying saucer.Sa kabilang banda ito namang mga higante ay nakatira sa ilalim ng lupa mga 3 km mahigit ang lalim at namumuhay na magkakalayo at nag iisa sapagkat hindi sila magkakasundo. Sa pag aaral ni Rudraman ang pinakamalalim lang na nahukay sa lupa ay 7 km.
Ang pagbanggit ng mga ganitong paksa sa iba ay isang uri ng kapangyarihan , kapangyarihang taglayin ang karapatan,katungkulan at pamamahala at katuwiran .Sapagkat ang mga taong nakita na ang daigdig ng Agharta ay magkakaroon nga ng ganitong asal at personalidad.Maraming tao ang hindi na tumitingala sa itaas kaya di na rin sila nakakakita ng mga UFO.Ang mga nilalang na ito ay mahiwaga ,kasing hiwaga ng mga elementals ,kasing hiwaga ng mga kaisipan at imahinasyon ng mga matatanda. Nariyan ang mga labi ng mga sasakyan ng mga mahiwagang nilalang na ito na mga kauri rin ng tao na mas matatalino nga lang. Sa panahon ni Propetang Ezekiel ay nailarawan niya ang isang uri ng sasakyan , at mga nilalang , na kung uunawain ay naglalarawan sa isang modernong sasakyan, na kung liliwanagin ay may jet engine, mga nilalang na me helmet ,boots at me makabagong disenyo ,at napakatagal ng panahon ito ,sapagkat si Propeta Ezekiel ay nabuhay sa panahon ng Lumang tipan bago pa man ipinanganak ang Panginoong Hesukristo. Ang mga sasakyan na UFO ay napapansing galing sa norte papuntang timog or timog papuntang norte at ang bilis ay mas mabilis kesa commercial planes. At ang madalas makakita nito ay mga piloto at mga taong nasa gitna ng laot o nasa ilang na lugar.Sapagkat mahiwaga ang kanilang paraan ay lihim at mahirap silang makita. Sila rin ay bumababa sa silangan ng Bagasbas sa bahagi ng "Solong Bato Island " at sa iba pang mga lugar na me kakaibang mga bagay gaya ng pyramids ,stone hedge , at iba pa. Mga portals na me dimensions ika nga. Mga bagay na naipakita na sa mga pelikula gaya ng Rapa Nui,Close Encounter ,Star Trek at iba pa. Subalit ang kakaiba sa lahat ay ang daigdig sa gitna at sa ilalim ng earth.Sapagkat biglang nawawala ang mga UFO at pinaniniwalaang dito pumupunta ang mga ito at hindi sa malayong bahagi ng kalawakan.
Ang unang UFO na nasulat ay sa Mahabharata isang epiko na nasulat sa India 4000 BC .
Note: June 19 1861 -Jose Rizal's Birthday
No comments:
Post a Comment